Matapos ang napakaraming dekedang paghihintay ko upang muling makapagpost dito sa kakaibang diary na hinulog sakin ng langit, muli kong nakita ang liwanag. Bakit kaya napakaliwanag? Naka-maximum pala yung contrast ng aking computer!
Noong isang araw lamang, muli kong naigalaw ang aking mga paa't binti. Muli akong nakalakad. Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilan ang sarili kong magpunta kung saan-saan. Napansin ko nalang, nakaabot na ako sa Rice Terraces. Naglakad-lakad pa ako ng kaunti, nakarating na ako sa Luneta. Konti pang lakad, nakapunta na ako sa Malate. Syet! Ang ganda nung babae o! Ang puti ng legs, ang kinis ng kutis, ang pungay ng mata, ang pula ng labi, ang haba ng hair, at malaki ang kanyang hinaharap! Isang ideal woman kung tawagin. Pero wait! Syet talaga! Grabe! Dapat di ka na nagsalita! Babangungunitin na ako! Bakit nang magsalita siya, ang laki ng boses nya! BAKLA!
Thursday, August 26, 2010
Wednesday, August 11, 2010
Ang Hirap
Ang hirap pala talaga pag 10 days ka nang hindi nakakahawak ng computer. Eto ako ngayon, nag-aaral kung paano muling magagamit ang aking mga binti bilang panlakad at ang aking mga kamay bilang panghawak at panglamas.
Binigyan ako ng mga taong kasa-kasama ko ng isang walker. Astig nga e, may gulong pa. May sariling orasan at tumutunog ng kanya. Dati, bago ako ma-isolate ng 9 months sa isang madilim na kweba, isa akong daredevil na biker, kaya sinubukan ko ito iparampa sa rampahan. Pinatakbo ko ito ng sobrang bilis (386km/h) at ng lumundag na ito sa rampahan, umabot ng 37.4ft ang altitude. Naglanding ako sa gitna ng kalsada. May mga truck na dumadaan. Syet! Paano ito?! Anong gagawin ko?! Inapakan ko ang nitros ng aking walker at umabot ng 689.7km/h ang speed at naiwan ko ang truck na muntik nang bumangga sa akin. Buti nalang, nakaligtas ako.
Ang hirap pala talaga maging daredevil kapag hindi mo magamit ang katawan mo ng ayos. Siguro, kailangan ko naulit mag-training.

Monday, August 2, 2010
Ang Berdeng Bato
Nagtataka lang ako kung bakit ang laging isinusuot ko ngayon ay isang kakaiba at malaking underwear. Malambot siya ng kaunti at presko sa pakiramdam. Ang tanong ko sa sarili ko, kailangan ba talagang magsuot ng underwear?
Dumating ang pagkakataon na parang biglang sumakit ang tiyan ko. Hindi ako makagalaw ng ayos. Namimilipit ang buong katawan ko. Napapakagat ako sa sarili kong labi. Umiyak nalang ako dahil di ko na alam ang gagawin ko. Ang mga nasa isip ko nalang ay, "?!?!?!?" Puro ganuon nalang.
Umiyak ako ng umiyak. Nilapitan ako nung magandang babae nagsusubo sakin ng dede nya. Pagkalapit nya, napaiyak ako ng malakas. Humagulhol ako ng humagulhol. Masakit na masakit na talaga ang tiyan ko. Halatang naawa sakin yung babae kaya sinubo nya ulit ang dede nya sakin pero bakit iba ang pakiramdam ko? Hindi ko maramdaman ang matamis at masarap nyang utong. Hindi ito ang kailangan ko! Iyak nalang ulit ako! SYET! ANG SAKIT NA TALAGA NG TIYAN KO! *boom* Parang may sumabog ata sa may puwet ko. Bakit parang bumaho ang paligid? SYET! May syet nga talaga! Merong lumabas sa puwet ko na isang berdeng bato na tinatawag nilang tae.

Subscribe to:
Comments (Atom)