Ito ang unang araw ko matapos ang siyam na buwan kong pagkakakulong sa napakadilim na kweba. Dahil sa matagal kong magkaka-isolate sa mga tao, di ko maigalaw ng ayos ang katawan ko. Hindi ako makalakad at makapagsalita. Kahit gawin ang mga paborito kong gawain, hindi ko magawa. Ni hindi nga ako makatugtog ng paborito kong drumset e. Parang hindi ko makontrol ang buo kong katawan kaya iniwan nalang ako nung lalaking kamukha ko sa isang kama. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay umiyak at sumigaw, at ikalampag ang paa at kamay. Kung may kakailanganin ako, sisigaw nalang ako o iiyak upang marinig nila ako. Ang hirap talaga pag di mo magawa ang mga gusto mo. Sana makagalaw at makapagsalita na agad ako.
Gabi na, anong gagawin ko? Tumingin ako sa paligid, mag-isa lang kasi ako sa kwarto. Humahangin ng malakas, nilalamig ako, isang kumot lang kasi ang nakabalot sakin. Sumilip ako sa bintana, parang may kuwago sa labas ng bahay. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, unti-unting tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa mga kakaibang mga nangyayari. Sandali lang, parang may napapakinig akong tunog ng paa ng tao na papalapit sa kwarto. Biglang bumukas ang pinto! Oh shit! Andito yung magandang babae na nakita ko noong kalalabas ko lang sa madilim na kweba. Shet! Lumalapit siya sakin! Nagagalit na! Nagagalit na! Tinatanong nya ako kung gutom na daw ako! Gusto kong sabihing oo pero dahil nga sa hindi ako makapagsalita, umiyak nalang ako. Shet! Tinanggal nya ang pang-itaas nya tapos inilabas ang isa nyang dede! Isinubo nya sakin! So sunggab ko naman agad! Shet! Ang sarap ng gatas! Sa wakas, nakainom narin ako matapos ang siyam na buwan kong pagkakakulong sa madilim na kweba.
No comments:
Post a Comment