Thursday, July 29, 2010

Ang Sumunod Na Araw

First time ko lang nakalasap ng dede kahapon. Ang sarap pala ng gatas na mula sa dede. Ano kayang sunod na mangyayari?
Andito ako ngayon sa kusina sa bahay na kung saan nila ako dinala. Kumakain yung lalaking kamukha ko at yung magandang babae. Nag-aalmusal sila. Gutom narin ako kaya sumigaw nalang ako! Sa pagsigaw ko, bigla tumingin sakin yung magandang babae tapos hinubad nya agad yung pang-itaas nya tapos diretso subo ulit ng dede! Oh shit! May bago akong nadiscover! Isang sigaw, subo agad! Ganun lang pala kasimple ang kailangan kong gawin pag gusto ko ulit makatikim ng dede.
Hayan, bigla namang lumapit yung lalaking kamukha ko! May hawak na kutsara na may mga nakalagay na pagkain. Sabi-sabi pa nya, "Andyan na ang airplane! Say AAAH!" Katanga naman ng lalaking ito! Hello! Mukha bang airplane yung kutsara? E kutsara nga yon e! Hindi iyo eroplano! Kalokohan ng lalaking ito! O bobo lang talaga sya? Anong klaseng eroplano yun? Syet!

Ang Aking Unang Araw

Ito ang unang araw ko matapos ang siyam na buwan kong pagkakakulong sa napakadilim na kweba. Dahil sa matagal kong magkaka-isolate sa mga tao, di ko maigalaw ng ayos ang katawan ko. Hindi ako makalakad at makapagsalita. Kahit gawin ang mga paborito kong gawain, hindi ko magawa. Ni hindi nga ako makatugtog ng paborito kong drumset e. Parang hindi ko makontrol ang buo kong katawan kaya iniwan nalang ako nung lalaking kamukha ko sa isang kama. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay umiyak at sumigaw, at ikalampag ang paa at kamay. Kung may kakailanganin ako, sisigaw nalang ako o iiyak upang marinig nila ako. Ang hirap talaga pag di mo magawa ang mga gusto mo. Sana makagalaw at makapagsalita na agad ako.
Gabi na, anong gagawin ko? Tumingin ako sa paligid, mag-isa lang kasi ako sa kwarto. Humahangin ng malakas, nilalamig ako, isang kumot lang kasi ang nakabalot sakin. Sumilip ako sa bintana, parang may kuwago sa labas ng bahay. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, unti-unting tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa mga kakaibang mga nangyayari. Sandali lang, parang may napapakinig akong tunog ng paa ng tao na papalapit sa kwarto. Biglang bumukas ang pinto! Oh shit! Andito yung magandang babae na nakita ko noong kalalabas ko lang sa madilim na kweba. Shet! Lumalapit siya sakin! Nagagalit na! Nagagalit na! Tinatanong nya ako kung gutom na daw ako! Gusto kong sabihing oo pero dahil nga sa hindi ako makapagsalita, umiyak nalang ako. Shet! Tinanggal nya ang pang-itaas nya tapos inilabas ang isa nyang dede! Isinubo nya sakin! So sunggab ko naman agad! Shet! Ang sarap ng gatas! Sa wakas, nakainom narin ako matapos ang siyam na buwan kong pagkakakulong sa madilim na kweba.

Tuesday, July 27, 2010

Ang Pasimula

Ooh! Yes! Nakalabas rin ako sa madilim na kwebang ito! Matapos ang nine months, nakakita rin ako ng liwanag! Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Yun bang tinatawag nilang "tears of joy." Habang nagce-celebrate ako ng pagkalabas ko sa madilim na kweba, may epal na lalaking humawakk sakin. Nakasuot siya ng puti. Puting-puti na parang binuhusan ng pinagsamang pwersa ng Ariel at Tide at iba-ibang cosmetic products na pampaputi. Iniligay nya ako sa tabi ng isang magandang babae. Nang magkatinginan kami nung magandang babae, SHIT! She smiled at me! PUTIK! Parang may gusto sa akin ang babaeng ito at parang nais nya akong mahalin ng buong puso at buhay nya. Pero bakit ganoon? Kung kailan ko nakikita ang nag-iisa sa aking buhay, tsaka naman ako muling kinuha ng epal na lalaking nakaputi at unti-unti akong inilayosa magandang babaeng aking nasilayan. Ibinigay nya ako dun sa lalaki then SHIT! Bakit kamukha ko ang lalaking ito? Sino siya?! Wag nyo akong iwan kasama sya... NOOOOOOO!!!